Filipino para sa Pilipinas: Isang Talumpati

            Ayon sa ating tema ngayong Buwan ng wika, “Filipino: Wikang Magpagpabago”. Paano naging sanhi ng pagbabago ang wika?

            Una sa lahat, ano nga ba ang wika? Kung inyong matatandaan sa ating asignatura na Pagbasa noong tayo ay nasa ikalabing-isang baitang, ang wika ay bahagi ng pakikipagtalastasan natin sa mga tao sa lipunan. Ito ay binubuo ng mga simbolo at tunog, at layon nating maghatid ng impormasyon o maghayag ng damdamin. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang Wikang Filipino ang kinikilalang pangunahing wika ng Pilipinas, kasama nito ang Wikang Ingles.

            Mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika sapagkat ito ang tulay na kumokonekta sa bawat isa. Halimbawa nito ang Tore ng Babel. Kung saan nong una ay madali nilang nagagawa ang kani-kanilang gawain dahil may iisang wika sila at sila ay nagkakaunawaan. Ngunit nang sila pinarusahan at pinag iba-iba ng Diyos ang wika nila upang hindi na sila magkaintindihan, hindi na nila nagawa nang mabilis at maayos ang kanilang mga gawain. Mula sa istoryang ito, mahihinuha natin na ang wika ay nagreresulta sa pagkakaisa.

            Ating isa-isip na kung tayo ay may iisang wika, tayo ay nagkakaintindihan, at kung tayo ay nagkakaintindihan, tayo rin ay nagkakaisa. At dahil tayong mga Pilipino ay nagkakaisa, kapit-kamay tayong magsusulong ng kaunlaran. Wika ang daan tungo sa kaunlaran. Sa ating pag-unlad ay nagreresulta ito ng pagbabago. Hindi ba’t nang dahil sa wikang Filipino ay hindi mabubuhay ang mapaghimagsik na damdamin ni Andres Bonifacio at hindi sana tayo makakalaya mula sa kolonisasyon ng mga Espanyol?

            Nang dahil sa wika ay nabuo ang sibilisasyon, lumitaw ang mga tradisyon at nabuo ang iba’t ibang kultura. Sinasalamin ng ating wika ang ating kultura. Ito ang pagkakakilanlan at identidad ng isang lipunan. Ayong kay Marisol Mapula, “ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao at ugnayan ng bansa”. Kung ating itatakwil at hindi kikilalanin ang ating sariling wika, ibig sabihin lamang nito ay hindi natin kinikilala ang kultura ng lipunang kinabibilangan natin. Ating tatandaan ang mga katagang binitawan ni Gat Jose Rizal, “Ang sino mang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay mas masahol pa sa amoy ng malansang isda”.

            Ang Aleman (Germany), Hapon (Japan), Korea, America, China, Russia ay ilan sa mauunad na bansa. Hindi naman sila umunlad gamit ang wika ng iba. Umunlad sila gamit ang kanilang pambansang wika. Hindi ba’t ang Korea noon ay tinaguriang “The Hermit Kingdom” dahil tinanggihan nila ang impluwensiya ng mga banyang bansa? Tignan mo sila ngayon at isa na sila sa kinikilalang bansa sa mundo dahil sila ang nakai-impluwensiya. Ang K-pop at k-drama ay malayo na ang narating. Gayon din ang Hapon na sakabila ng pagtanggi nila sa paggamit ng wikang ingles ay maunlad rin. Sa aspeto ng teknolohiya ay kinikilala ang kanilang mga gawa, maging sa mga “gadgets” man o sa mga sasakyan. Paano naman ang mga Pilipino? Dumako naman tayo sa ating pambansang bayani na siyang nagbuwis ng buhay upang ipaglaban ang kalayaan ng ating wika, si Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ginamit niya ang lakas ng pluma upang labanan ang mga mapang-aping Espanyol. Tila isang naglalagablab na apoy ng himagsikan ang kanyang nilikha sa pamamagitan ng wika. Sa mga akda niyang pampanitikan ay namulat ang diwang makabansa ng mga Pilipino at nasaksihan ng lahat kung paanong ang wikang Filipino ay nagdulot ng pagbabago. Ang Pilipinas ay binihag ng mga Espanyol ng mahigit kumulang tatlong daan at tatlompung taong. Sa mga panahon na yaon ay dumanas ang ating lahi ng matinding diskriminasyon at paghihirap. Hirap na kabilang ang ilang taong pagtawag sa atin na indio o mangmang, ang pagmamaliit na tingin sa atin, pangaalipin, at lalo na ang pang babastos at pagbago ng ating tunay na kultura na hanggang ngayon ay hindi pa natin buong-buong natutukoy. Ang pagbabagong hatid ng wika simula noon, ay iyun ding naghatid sa atin sa kinaroroonan natin ngayon. Tayo ay lumaya hatid ng pagkakaisa. Sumalin sa atin ang iba’t ibang kultura, at nabigyan tayo ng iba’t ibang karapatan hindi lamang sa edukasyon gayon na rin ang sariling pamahalaan at mga konstitusyong tayo mismo ang namamahala. Nakamit natin ang kalayaan gamit ang sarili nating kamay, diwa at puso. Wika ang nagpataas ng ating mga morale upang ipaglaban ang ating lupang hinirang. Minulat tayo ating kinalagayan, Pinanatili nito ang ating paninindigan at nagawa nating paghirapang makamit ang hustisya.

            “Change is coming”, ayon sa slogan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kilalang-kilala si Duterte hindi lamang dahil siya ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na mula sa Mindanao, kung hindi dahil din sa madalas niyang pagmu-mura sa kanyang mga talumpati. Kung ating aanalisahin, ang kayang paggamit ng wika ay maituturing na “reckless” para sa isang pangulo na dapat ay ihemplo ng mga mamamayan ng bansa. Makikita na mayroon ngang pagbabagong naganap sa paraan ng pakikipag-usap ng ating lider sa kanyang nasasakupan at nagre-reflect din ito sa kalagayan ng lipunan. Tila ay nagbigay ito ng maling mensahe na dahil nagmumura siya ay natutulad ito ng mga batang walang muwang sa mundo. Hindi tamang sabihin nila na “presidente naman kasi siya kaya okay lang na magmura siya” o “presidente naman siya, bakit mo siya sasabihang huwag magmura? Sino ka ba?” Dahil lahat tayo dito ay pantay-pantay, maging president ka man o ordinaryong mamamayan. Kaya hindi tamang magkaroon tayo ng “double standard” sa panghuhusga natin sa paggamit ng wikang Filipino. Sa sitwasyong ito ay nakita rin ang wikang Filipino na naging sanhi ng pagbabago.

            Kilala nyo pa ba si Francisco Baltazar? Siya ang Ama ng Panitikang Tagalog at ang awtor ng sikat na akdang pampanitikan na “Florante at Laura”. Nakilala rin siya bilang si Francisco Balagtas dahil sakanya nagmula ang Balagtasan nasiyang sikat na sikat ngayon sa mga pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Noong panahong siya ay nagsusulat ng mga tula at iba pang pampanitikang akda, ang mga Pilipino ay inaatasang gumamit ng Espanyol. Ngunit ginamit niya ang Tagalog sa mga naturang akda, at sa simpleng maggamit niya ng Filipino ay nakalikha siya ng pagbabago.

            Isa pang kilalang awtor ay si Jose dela Cruz na kilala rin bilang si Huseng Sisiw, o The Tagalog Poet. Siya ang naging guro ni Francisco Baltazar at ang sinasabing may-akda ng Ibong Adarna, ngunit may ilang kumekwestiyon parin sa akdang ito. Nakilala rin siya dahil sa galing niya sa pagdudula at nasubok ang galing niyang ito nang siya ay gumawa ng isang “on-the-spot” na dula.

            Ikatlo ay si Pascual Poblete na nakilala dahil sa paggagawa niya ng bayograpiya ni Rizal at pagsasalin sa wikang Tagalog ng Noli me Tangere. Dahil sa mapang-rebolusyonaryo niyang mga akda ay ipinatapon siya sa Africa at doon ikinulong.

            Ang tatlong nabanggit ay ilan lamang sa mga taong nagpakita na ang Wikang Filipino ay talaga namang Wikang Mapagpabago. Inialay nila ang kanilang buhay para sa wikang pambansa. Namatay sila sa kanilang pagbibigay karangalan sa Pilipinas. Ngunit hindi ko naman sinasabing igugol ninyo ang inyong buong buhay para lumikha ng pagbabago gam tang wikang Filipino. Iba ang panahon noon sa panahon ngayon. Mas nakaluluwag na tayo. Mas malaya na tayo. Hindi natin kailangan lumikha ng isang nobela na maaari nang gantimpalaan ng Palangka Award tulad ni Francisco Baltazar. Hindi natin kailangang maging kasing galing ni Huseng Sisiw sa pagiging magaling na mandudula. At mas lalong hindi natin kailangang makulong sa Africa para masabing lumikha tayo ng pagbabago para sa bansa gamit an gating wika. Sa ating munting paggamit ng Wikang Filipino sa tama, makakalikha tayo ng pagbabago. Pagbabago na siyang magdidikta sa kinabukasan ng bawat Pilipino, kinabukasan ng bansang Pilipinas.

            Sina Jose Rizal, Rodrigo Roa Duterte, Francisco Baltazar, Jose dela Cruz, at Pascual Poblete ay mga hamak na ordinaryong Pilipino lamang. Ngunit ginamit nila ang wikang Filipino sa isang ekstraordinaryong paraan upang maglikha ng pagbabago. Binuklod nila tayo, pinagkaisa. At ngayong tayo ang nagkakaisa, panahon nama nating gumawa ng pagbabada gamit ang sariling wika. Huwag tayo maging banyaga sa Filipino. Gamitin natin ang kanya-kanya nating kakayahan upang paunlarin ang wikang ito, ang bansang ito. Kung magaling ka sumayaw, sumayaw ka sa mga maka-Filipinong tugtugan tulad nila Enrique Gil at James Reid. Kung mas gusto mo naming kumata, gumawa ka ng mga OPM o Original Filipino Music tulad nila Yeng Constantino, Regine Velasquez, Sarah Gernimo. May banda ba kayo ng barkada mo? Maaari rin kayong kumanta ng mga nasa wikang Filipino tulad ng Parokya ni Edgar at Silent Sanctuary. Kung mahilig ka gumuhit, gumawa ka ng mga komiks na nasa wikang Filipino tulad ni Manix Abrera. Kung mahilig kang magsulat, gumawa ka ng mga akdang pampanitikan tulad ni Eros Atalia. Mahilig kang magpatawa? Gayahin mo si Vice Ganda at Super Tekla na nasa Wikang Filipino ang paggagawa ng mga biro. At kung wala diyan ang hilig mo, maaari mo namang tangkilikin ang mga unang nabanggit at mag-aya ka ng iba pang tatangkilik dito. Napakalayo ng mararating nga wikang Filipino. Huwag nating ikulong ang sarili natin sa pagtangkilik ng wikang banyaga. Ang Filipino ay isang wikang mapagpabago. Kung kaya nila, kayo rin natin!

Tandaan natin ang tulang ito:

May alab ng apoy at lakas ng bato,

At kinang ng tubig na wai ay ginto,

Wikang Filipino’y matatag na hukbo

Na lakas ng iyong pagka-Pilipino.

(hango sa tula ni Avon Adrna na pinamagatang “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino)

Ikaw na tagapakinig, ano ang kaya mong gawin gamit ang Wikang Filipino para sa inaasam nating lahat na pagbabago? Hanggang ditto nalamang ba tayo? Sa mga kabtaang na tulad ko, nasaan na  ang sinasabi nilang “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”?

Image Source: ttps://banjames.files.wordpress.com/2013/04/national-flag-day.jpg
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s